PINASINUNGALINGAN ni Manny Pacquiao ang sinabi ni International Retired Referee Carlos Padilla na nandaya siya para maipanalo ang Filipino boxing champ sa isa sa laro nito noong 2000.
Aniya, ang lahat na nangyari sa ring sa panahong iyon ay pinagpaguran nya at tiniyak na ginawa ang kanyang makakaya.
Si Quinito Henson, ang commentator noon ng Pacquiao-Hussein fight ay nagsabing wala ring nangyaring dayaan.
Magugunitang inamin ni Padilla na tinulungan niya noon si Pacquiao na manalo sa laban nito sa pagitan ng Australian boxer na si Nedal Hussein noong October 10, 2000 sa Ynares Sports Center, Antipolo City.
Saysay ni Padilla, ng maiknock-out ng Australian boxer si Pacquiao sa fourth round, sinunod pa rin naman niya ang mandatory 8-count subalit bahagya nya itong binagalan upang mabigyan pa ng panahon si Pacquiao na maka-recover.