TARGET ni boxing champ at dating eight-division champion Manny Pacquiao na magkaroon ng rematch kay Floyd Mayweather Jr.
Sa ngayon ay nakikipag-usap na ang kampo ng pambansang kamao sa kampo ni Mayweather para sa posibleng laban na target isagawa ngayong Disyembre sa Japan.
Matatandaan na unang nagkaharap sa ring sina Pacquiao at Mayweather noong 2015 kung saan natalo ang pambansang kamao via unanimous decision.
Noong nakaraang taon din ay bukod kay Mayweather, lumabas din ang pangalan ng American fighter na si Gervonta ‘Tank’ Davis na nais makalaban ni Pacquiao.