PUMANAW na ang komedyante at advertising creative na si Manuel ‘Jun’ Urbano, Jr. sa edad na 84.
Kinumpirma ito ng anak ni Urbano na si Banots sa kaniyang Facebook post.
Si Urbano ay sikat sa kaniyang satirical character na si ‘Mr. Shooli’ na kilala sa mga banat sa politika at mga punchline.
Lumabas din si Urbano sa sikat na Mongolian Barbecue Show noong 1980s.