PATULOY na makararanas ng 42-51 °C na heat index ang Metro Manila, at Northern at Central Luzon.
Itinuturong rason ng pagkakaroon ng mataas na init ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay ang coastal areas na may low elevation.
Maging ang pagtataya rin sa air temperature at humidity ng isang lugar.
Sa isang public briefing, sinabi ni PAGASA Chief, Climate Impact Assessment and Application, Climatology and Agrometeorology Division Dr. Marcelino Villafuerte II, maaaring makararanas ng heat cramps, pagkapagod at stroke ang sinumang nasa ‘danger’ level na heat index.
Ibig sabihin, paalala ni Villafuerte, iwasan ang pananatili nang matagal sa labas.