Maraming ari-arian ng gobyerno ang nawala matapos ang EDSA Revolution –Atty. Gadon

Maraming ari-arian ng gobyerno ang nawala matapos ang EDSA Revolution –Atty. Gadon

HINDI dapat ipagdiwang ang anibersaryo ng People Power Revolution.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Larry Gadon sa panayam ng SMNI News.

Ani Atty. Gadon, ang pagiging holiday ng anibersaryo ng EDSA Revolution ay hindi bilang pagpupugay sa nangyari noong Pebrero 25, 1986 dahil matagal na aniyang walang naniniwala rito.

Bukod pa rito, binigyang-diin ni Gadon na ang naturang rebolusyon ang nagsadlak sa Pilipinas sa kahirapan.

Aniya, marami ring ari-arian ng gobyerno ang nawala.

“Hindi dapat isipin ng mga tao na ito ay bilang pagpupugay doon sa Feb. 25 sapagkat matagal nang walang naniniwala diyan, ilang pirasong tao na lang ang naniniwala so called revolution.”

“That EDSA Revolution, so called revolution was just so called revolution of some business interest of the Lopez and other oligarchs, kaya hindi dapat ipagdiwang yan.” 

“Yang People Power Revolution, yan ang nagsadlak sa kahirapan sa Pinas.” 

“Madaming state properties ang nawala dahil sa revolution.” 

“Para sa akin napakasama ng pangitain ang EDSA Revolution na yan,” pahayag ni Atty. Larry Gadon.

Naniniwala rin si Gadon na ang hakbang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na gawing holiday ang Pebrero 24, isang araw bago ang anibersaryo ng EDSA People Power ay malaking tulong sa industriya ng lokal na turismo sa bansa.

“Holiday economics, there is an EO issued by PGMA during her admin observing the transferring of dates of holiday and non-working days to nearest day that will fall on a longer weekend. Ang purpose niyan ay para mabigyan ang mga kababayan natin makapagbisita sa kanilang mga probinsya at matulungan ang ating local tourist industry,” ayon pa kay Gadon.

Follow SMNI NEWS in Twitter