MAS maraming Gen Z sa Pilipinas ang nais magtrabaho sa abroad.
Ang itinuturing mga Gen Z ay ang mga indibidwal na ipinanganak mula taong 1997 hanggang 2015.
Ayon sa Wellness Index: An updated ABC of Pinoy Gen X, Y and Z ng PhilCare, nasa 48% lang ng Gen Zs ang nagnanais na manatili sa bansa kumpara sa 52% na gustong umalis.
Sa paliwanag, ang Gen Z ang henerasyon na nakaranas ng technological advancement kung kaya’t mas madali sa mga ito ang makakuha ng impormasyon sa uri ng buhay sa labas ng Pilipinas.