Maraming Pinoy sa US, namulat laban sa mga gawa ng kalaban ng estado – Ka Eric

Maraming Pinoy sa US, namulat laban sa mga gawa ng kalaban ng estado – Ka Eric

KINUMPIRMA ni Ka Eric Celiz, na hindi man gaano kalawak pero lumalalim na rin ang operasyon ng mga teroristang grupo sa Estados Unidos.

Ang pahayag ni Ka Eric ay kasunod ng pagdating ng kanilang grupo kasama nina Anna Jessa Mae Crisostomo ng IP, Relissa Lucena ng Yakap ng Magulang Movement at Philippines National Security Sector Representative Director Marites de Los Reyes, Huwebes ng umaga, para sa Special Mission Project na kanilang ginawa sa Amerika sa nakalipas na dalawang linggo.

Dagdag pa ni Ka Eric, maraming mga Pilipino ang namulat at naliwanagan sa kanilang isinagawang Information Caravan, Security Awareness Briefing at pagpapakilala ng pangangailangang kumilos ang mga kababayang Pilipino sa Amerika upang ipagtanggol ang gobyerno ng Pilipinas na inaatake ng CPP-NPA-NDF at mga kasabwat nito sa Amerika.

Kabilang ang limang malalaking grupo na mga Filipino Community sa Amerika ang kinausap nila doon upang maipaliwanag ang kalagayan ng CPP-NPA-NDF sa pagwasak ng ating bayan at ano ang koneksyon nito sa Estados Unidos at abroad.

Ayon naman kay Relissa Lucena ng Yakap ng Magulang Movement, maraming mga magulang ang labis na nagulat at walang kaalam-alam sa mga gawa at kilos ng mga anti-government group sa Amerika na sisira sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Matapos nagbigay ng patotoo si Lucena kung paano nalinlang ang panganay nitong anak ng mga teroristang grupo sa Pilipinas.

Aniya marami ring bulag na mga Filipino sa Amerika na ang pondo ng Pilipinas ay napupunta lamang sa insurgency sa bansa.

Si Jessa Mae naman na isang katutubo ay nagbigay rin ng pahayag sa mga magulang doon na ang kagaya niya na nalinlang ng NPA ay posibleng mangyari sa mga kabataang Pilipino doon pati na rin sa mga anak nila na naiwan sa Pilipinas.

Bukod sa kanilang pagbibigay impormasyon laban sa CPP-NPA-NDF, anila maraming mga Filipino doon ang nagpapasalamat at natutuwa sa mga programa ng SMNI News sa pangunguna ni Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy partikular na sa Laban Kasama ang Bayan sa pagpapahayag ng katotohanan laban sa mga gawa ng mga teroristang grupo na isa sa pangunahing dahilan kung bakit sila naimbitahan ng mga Filipino Community doon.

Sa katunayan naabutan ng SMNI News ang isang overseas Filipino na dumating sa NAIA galing Amerika kung paano ito nagpapasalamat sa SMNI.

Tiniyak ni Ka Eric na kahit nasa Pinas na sila tuluy-tuloy pa rin ang kanilang organizational meeting via zoom para patuloy na gabayan ang mga kababayan natin sa Amerika laban sa mga kilos ng CPP-NPA-NDF.

 

Follow SMNI News on Twitter