NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Marawi City Mayor Majul Gandamra.
Ito ang opisyal na inunsyo ng alkalde kahapon, Marso 29.
Sinabi ni Gandamra sa kanyang opisyal na pahayag na sa kabila ng maingat na pagsunod sa minimum health protocols ay nahawaan pa rin ito ng nasabing virus.
“While our guards are lowered down after altering to our Community Quarantine Guidelines to encourage the movement of our local economy, this is a reminder to all residents of this city that this battle against the virus is far from over,” pahayag ni Gandamra.
Nanawagan si Gandamra sa nakasalamuha nito na magpa-swab test at magpasailalim sa self-quarantine.
Bago dito, lumahok si Gandamra sa groundbreaking sa halal slaughterhouse kasama ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) noong Marso 6.
Kasama ni Gandamra sa nasabing kaganapan sina TFBM Chairperson Secretary Eduardo del Rosario, Department of Human Settlements and Urban Development Undersecretary Zyril Carlos at TFBM Field Office Manager Asst. Sec. Felix Castro, Jr.
Sinabi ni Gandamra, isang wake-up call ang pagkakuha niya ng COVID-19 para maging alerto ang publiko sa pagsunod sa health protocols, iwasan ang hindi mahalagang biyahe at mga pagtitipon.
“This is also a call to action to not be afraid to get vaccinated, as this is by far the most impactful move that our government is doing to protect ourselves from the disease,” aniya pa.
(BASAHIN: Dating Pangulong Joseph Estrada, isinugod sa ospital dahil sa COVID-19)