Marc Gasol, nagretiro na sa NBA

Marc Gasol, nagretiro na sa NBA

OPISYAL nang inanunsyo ng Spanish basketball player na si Marc Gasol na magreretiro na ito sa NBA.

Huling naglaro si Gasol sa 2020-2021 season ng NBA kasama ang Los Angeles Lakers subalit nakapaglaro pa ito para sa Basquet Girona, ang koponan na kanyang binuo sa Spain.

Noong 2012-13 season ay tinanghal naman itong Defensive Player of the Year.

Ngayon, dahil sa anunsyo ay pareho na sila ng kanyang Hall of Famer na kapatid na si Pau Gasol na nagretiro na sa NBA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble