IGINIIT ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta na walang kinalaman sa isyu ng press freedom ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ito ang binigyang-diin ni Marcoleta sa Senado sa confirmation hearing ng Commission on Appointments (CA) kay Commission on Audit Chairman designate Gamaliel Cordoba.
Nakabanggaan kasi ni Marcoleta si Senador Risa Hontiveros sa isyu ng ABS-CBN franchise at iginiit na continued injustice ang nangyayari sa Kapamilya Network.
Ngunit ayon kay Marcoleta, walang kinalaman sa press freedom dahil iba’t ibang paglabag ang nadiskubre ng Kamara sa pagbusisi nila sa mga atraso ng TV network.
Naungkat naman ang isyu dahil si Cordoba ang dating chairman ng National Telecommunications Commission (NTC) nang bawian ng franchise at frequency ang ABS-CBN.