Marcos admin, dapat matutukan ang kalikasan at agrikultura – Rep. Hagedorn

Marcos admin, dapat matutukan ang kalikasan at agrikultura – Rep. Hagedorn

MATUTUKAN ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang usapin hinggil sa kalikasan at pagpapalakas sa agrikultura.

Ito ang ibinahagi ni Palawan 3rd District Rep. Edward Hagedorn sa panayam ng SMNI News.

Ikinatuwa nito na mismong si Pangulong Marcos, Jr. ang namumuno ngayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Hagedorn na bilang bagong kongresista, ang agrikultura ang kanyang pangunahing tututukan dahil nakikita niya na ito ang pinakakailangan sa kaniyang lugar.

Kung matatandaan, si Hagedorn na kilala bilang environmentalist, ang isa sa humiling sa Malacañang na imbestigahan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay sa ilegal na aktibidad na nangyayari sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape sa Rizal Province.

Partikular na concern dito ang quarrying agreements sa lugar dahil ito anila ang rason kung bakit nagkakaroon ng malalalang baha sa Metro Manila gaya ng Marikina at maging sa buong Rizal.

Maliban sa kalikasan at agrikultura, nais din ng kongresista na isulong at tutukan ang sektor ng edukasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter