PURSIGIDO ang administrasyong Marcos na maabot ang ambisyong maging upper middle-class status ang Pilipinas sa 2025.
Kaya naman, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na tuluy-tuloy ang pagpupursige ng kaniyang administrasyon upang makapanghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
Ngunit, ayon kay Pangulong Marcos, may mga batas sa kasalukuyan na pumipigil sa pagpapalakas ng foreign investments.
Ito rin ang dahilan kaya’t nalilimitahan ang economic potential at global competitiveness ng Pilipinas.
Kung kaya’t binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng isinusulong na pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.
“Many sectors of society, particularly business, have pointed to certain economic provisions in the Constitution that inhibit our growth momentum,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kaugnay rito, inihayag ni Pangulong Marcos na noon pa man ay mayroon nang mga ginagawang hakbang para sa pagsusulong ng pagbabago sa economic provisions.
“Since the 8th Congress, there have been no less than 300 measures filed in the House of Representatives calling for the amendment of these economic provisions of our Constitution,” saad nito.
Inilahad ng Pangulo na makabubuting magkaroon ng malayang talakayan ang bicameral Congress hinggil sa usapin gayong bahagi aniya ito ng democratical process pati na rin ng check and balance.