PBBM appointees, hindi matatawaran ang galing – political sociologist

PBBM appointees, hindi matatawaran ang galing – political sociologist

UMAASA ang isang political sociologist na magiging matagumpay ang administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos dahil sa appointees nito sa kaniyang gabinete.

Sinabi ng isang political sociologist na pinili ni PBBM para sa kaniyang gabinete ang mga technically proficient o ang magagaling sa kani-kanilang larangan.

Sa isang pulong-balitaan inihayag ni Prof. Frederick Rey na hindi matatawaran ang galing ng mga ito.

Aminado naman si Rey na ang pagpili sa ilang papasok na opisyales ay may kaakibat na political favor.

“Yung mga appointees po ni incoming president BBM and VP Sara, parang UAAP at NCAA ng mga gabinete…When we talk about technical proficiency, talagang hindi matatawaran yung galing ng mga appointees,” pahayag ni Rey.

Dagdag ni Rey na dahil sa mga itinilaga ni Marcos, inaasahan niya ang isang balanseng administrasyon.

Inaasahan niya rin na makatutulong ang mga ito na maingat ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

“Yung Marcos Jr. administration, I think really is a kind of administration that is looking forward na makapagbigay sa atin ng relief,” ayon kay Rey.

“I think this will be an administration na can function really as a functioning system. Kasi nasa kanila naman po yung experience, talino, yung galing,” dagdag ng propesor.

“Umaasa po ako na itong administrasyong ito ay maging matagumpay.”

Sinang-ayunan naman ni Atty. Clark Edward Uytico, isang law professor, ang obserbasyon ni Rey.

Aniya ay competent at malawak ng karanasan ng mga appointees ni Marcos.

“These are people who are competent. They have experienced. And we hope that experience would get the better off our politics in this case as we aim to recover from the onslaught that has been suffered  us by this COVID pandemic po,” ani Uytico.

Sa ngayon halos nakumpleto na ang cabinet secretaries ni BBM.

Kabilang sa itinalaga ni Marcos ay si Vice President-elect Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Atty. Vic Rodriguez bilang kaniyang Executive Secretary.

Itinilaga rin ni BBM si political analyst Prof. Clarita Carlos bilang National Security Adviser, ang matagal nang OFW advocate na si Susan Toots Ople bilang kalihim ng Department of Migrant Workers, dating Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa DOLE at Dr. Arsenio Balisacan na pamunuan muli ang National Economic Development Authority.

Si Cavite Representative Boying Remulla naman ang bagong Justice Secretary habang si dating MMDA Chairman Benhur Abalos ang itatalaga bilang DILG Secretary.

Kinuha rin ni BBM si dating Senate President Juan Ponce Enrile, outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra, at retired AFP chief Jose Faustino Jr. na maging kabahagi ng kaniyang gabinete.

Follow SMNI News on Twitter