Marcos Jr. admin, iniiwasan ang mga oportunidad na magpapaunlad sa ekonomiya ng Pilipinas—geopolitical analyst

Marcos Jr. admin, iniiwasan ang mga oportunidad na magpapaunlad sa ekonomiya ng Pilipinas—geopolitical analyst

ANG bansang China ay isa sa mga maituturing na higanteng bansa sa buong mundo dahil sa patuloy na paglago nito hindi lang sa usapin ng modernong teknolohiya kundi lalo na sa ekonomiya nito.

Ayon sa World Bank, magmula nang binuksan ng China ang kanilang reporma sa ekonomiya noong taong 1978, pumapalo sa 9% ang Gross Domestic Products (GDP) growth nito taon-taon, dahil dito milyun-milyong residente sa China ang umangat ang buhay.

Ang China din ang isa sa mga pangunahing bansa na bumuo ng intergovernmental organization na pinangalanang BRICS na naglalayong makamit ang kaunlaran at kapayapaan sa pagitan ng mga bansang sakop nito.

Kaya sa ginawang forum ng Asian Century Philippines Strategic Studies, highlights dito ang mga nagawa ng China sa mga nakalipas na taon na dapat gayahin ng Pilipinas para umunlad ang ekonomiya nito.

“Today China contributes 30% of world’s GDP is the top trading partner of over 120 countries leads the world in 37 out of 44 critical technologies according to a 2023 Australian Strategic Policy Institute (ASPI),” saad ni Pro. Herman “Ka-Mentong” Laurel, President, Asian Century Philippines Strategic Studies.

Ngunit imbes na gayahin ay tila iniiwasan umano ito ng Pilipinas.

Ayon kay Professor Herman “Ka-Mentong” Laurel, presidente ng Asian Century Philippines Strategic Studies, binuksan ng China ang kanilang merkado sa buong mundo upang makatulong sa ekonomiya ng ibang bansa pero ang pagkakataong ito ay hindi aniya pinatulan ng Pilipinas.

“Ito po ay pagbubukas ng merkado ng China na napakayaman na po ngayon, 400 million middle class bigger middle-class ng entire population of the United States of America almost the size of European population and unfortunately today then Philippine government under present administration is denying itself of access to this market which the other ASEAN countries are rushing to top to exploit to enjoy and which they are doing so.”

“We are failing to enjoy this Chinese market that is opening up wider and wider because of geopolitical mis steps of the present Philippine government,” giit ni Laurel.

Marcos Jr. walang political will, takot sa mga Amerikano—Economic Risk Consultant

Para naman sa isang geopolitical and economic risk consultant na si Professor Mario Ferdinand Pasion, kaya hindi tinatahak ni Bongbong Marcos ang landas ng pagiging maunlad, ay dahil natatakot ito na baka matulad sa kaniyang ama na napatalsik sa puwesto kaya naging sunod-sunuran ito sa mga Amerikano.

“I believe this comes from the traumatic experience that Bongbong himself and his family suffered during and after EDSA Revolution,” saad ni Pro. Mario Ferdinand Pasion, Geopolitical and Economic Risk Consultant.

Bagay na sinang-ayunan ni Ka-Mentong.

“’Yong kawalan ng independent foreign policy simula noong 2023 Pebrero noong nakaraang taon nang nagpakita si Bongbong Marcos unang-una ng pagbabalik akap sa Estados Unidos sa pamamagitan ng expansion ng addition bases ng military at policy ng coastguard dun sa South China Sea disputes with China,” ani Laurel.

Ngunit para kay Dave Diwa, isang veteran labor union leader, kaya hindi umuunlad ang ekonomiya ng Pilipinas ngayon ay dahil hindi umaastang pangulo ng bansa si Marcos, Jr.

“Ang problema talaga his not acting as a president should do anything about US ok, anything with China ayaw any about Russia medyo alanganin ‘yon ang problema kay presidente hindi presidente ‘yan ang problema kay Bongbong,” paliwanag ni Dave Diwa, Veteran Labor Union Leader.

Hindi nga aniya kagaya noon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kahit may pandemya ay nagawang mapatakbo nang maayos ang Pilipinas dahil sa political will nito na hindi nagpapadikta sa ibang bansa at ang maayos na pamamalakad ng gobyerno noon.

“Three words only independent foreign policy ‘yon lang hindi tayo sumusunod sa dictates ng ibang bansa we took care of our own interest,” wika ni Pro. Mario Ferdinand Pasion, Geopolitical and Economic Risk Consultant.

“Tatlong dahilan lang, una walang pera ang ating bansa 16 trillion na ang utang natin.”

“Pangalawang dahilan is corruption, may pera pero hindi mapupunta sa public service para sa mga tao.”

“At mismanagement o kaya hindi mo maaasahan si Bongbong na nagpapatakbo ng ating bansa,” ayon pa kay Diwa.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter