PINIPINTANG malinis ang kasalukuyang administrasyon dahil sa isang speech ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., kamakailan.
Ito ang sinabi ng political analyst na si Prof. Malou Tiquia, kaugnay sa sinabi ng pangulo na mistulang pinabili lang ng suka ang mga tumatakbong senador ng PDP-Laban.
Sa sinabi aniya ni Marcos Jr., mukhang sinabi nito na ang mga senador na nasa Alyansa para sa Bagong Pilipinas lang ang magagaling, mabubuti, at dapat iboto.
Pahayag ni Tiquia, sana’y inilahad na lang ni Marcos Jr., ang mga problema ng bansa at kung paano ito sosolusyonan ng mga senador na kaniyang iniendorso.
Follow SMNI News on Rumble