NAWALA na ang isa’t kalahating milyon na mga turista sa Pilipinas dahil sa mga nangyayaring harassment, partikular na sa mga Chinese national. Katumbas ito ng halos 1.5 B US dollars na income sana ng bansa.
Ito ang obserbasyon ng geopolitical analyst na si Herman Tiu-Laurel kaugnay sa inilabas na advisory ng Chinese Embassy sa Pilipinas hinggil sa hindi ‘stable’ na public security sa bansa.
Aniya, kung magpapatuloy ay isang malaking dagok ito sa ekonomiya ng bansa.
Dahil dito, sinabi ni Laurel na sana’y matigil na ang pagsunod ng gobyerno sa Estados Unidos na walang ibang ginawa kundi ang pang-uudyok na kalabanin ang China.
Mapapansin na para sa Estados Unidos, isang malaking banta sa kanila ang China dahil sa iba’t ibang dahilan na sumasaklaw sa larangan ng ekonomiya, teknolohiya, militar, at geopolitics.