HINDI pa sapat kay Bongbong Marcos Jr. ang Martial Law regime noon ng kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ito ang tahasang sinabi ni former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa pinakahuling KOJC press conference.
Aniya, ngayong nakabalik na ang mga Marcos sa pinakamataas na posisyon ay ayaw na nilang bitawan ang kapangyarihan.
“Simple. They want forever again.”
“Ayaw na nilang magkaroon ng kahit na sinong banta sa kanilang pagnanais na forever Marcos again,” pahayag ni Atty. Harry Roque, Former Presidential Spokesperson.
“Professor, I have to remind you according to the movie, walang forever,” saad ni Atty. Dinah Tolentino, Legal Counsel, KOJC.
“Oo nga. ‘Yan ang dapat nilang malaman. Gustuhin man, walang forever lalung-lalo na kung nasusuya na ang taumbayan,” dagdag ni Atty. Roque.
Kaya naman, ganoon na lang katindi ang obsession ng kampo ni Marcos Jr. laban sa mga tao na sa tingin nila ay hadlang sa kanilang pulitikal na ambisyon.
Sinabi ng SMNI anchor na si Master Judea na kasama na rito ang obsession ng administrasyong Marcos Jr. na siraan at pabagsakin ang mga Duterte partikular si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na tila may ‘playbook’ silang sinusunod.
Lalo pa’t mayroon ding upcoming election sa susunod na taon.
“At isa pa po sa tingin ko na nakikita natin na kung bakit obsess na obsess sila sa mga Duterte dahil ito pong mga Duterte ay ang natatanging sagabal sa kanilang mga dadaanan kasi alam naman natin na hanggang ngayon kahit si PRRD ay wala na sa kaniyang katungkulan ay mahal na mahal pa rin ng mga tao,” wika ni Master Judea, Anchor, SMNI.
Batid aniya ng mga Pilipino kung ano ang ginawa ni FPRRD kung saan ipinadama ng dating Pangulo sa mga mamamayan na meron tayong presidente na masasandalan.
“Hindi katulad ngayon, ni hindi nga natin nakikita, hindi natin naririnig ang ating presidente kaya ito po ay isang pamantayan ng mahinang lider. Dapat lahat po ng issue na meron tayo dito sa Pilipinas, dapat hands on ang mga leader natin. Katulad nga ng nangyayari ngayon, hindi po nila alam kung magkano ang presyo ng mga bilihin kasi ikaw ba naman, 64 pesos hahati-hatiin mo ‘yun sa 3 meal, aba pabangag-bangag na talaga tayo niyan,” dagdag ni Master Judea.
Bukod pa rito, patuloy rin ang isyu sa umano’y pagpapapasok ng International Criminal Court (ICC) sa bansa para imbestigahan at arestuhin si dating Pangulong Duterte.
Sa paging obsessed na obsessed din ng administrasyong Marcos Jr. sa mga Duterte, ay mapapansing paulit-ulit lang ang mga kasong ibinabato o itinuturing ng mga recycled cases laban kay Vice President Sara Duterte.
Katulad na lamang ng isyu sa P125-M confidential funds at ang plano umano na impeachment laban sa bise presidente.
Kasama pa sa kanilang ‘playbook’ ang pabagsakin ang SMNI, buong kongregasyon ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at si Pastor Apollo C. Quiboloy, na kilalang malapit na kaibigan ni FPRRD.
Walang tigil nilang sinisiraan ngayon ang reputasyon at karakter ng butihing Pastor.
“Kasi grabe po. Sini-single out lang po nila at talagang kitang-kita natin ngayon kung sino po ang kanyang kinakaldag. Unang-una, KOJC na alam naman natin na malapit sa mga Duterte. Ang bottomline po nito, Duterte po talaga bagsak. So, ngayon, ginagamit po nila lahat ng kanilang mga resources pati mga lider, mga tao katulad ni Mr. Abalos, ni Mr. Torre, ni Mr. Marbil,” giit ni Master Judea.
Mayroon ding ikinakasang plunder case laban kay FPRRD at kay Sen. Bong Go habang pini-pin down din si dating Presidential Spokesperson Harry Roque dahil kritiko siya ng administrasyon.
Atty. Roque sa Marcos Jr admin: “The works of the devil will never prevail”
Sa kabila ng mga samu’t saring paninira ng administrasyon Marcos Jr. ay tiwala si Atty. Roque sa mga kataga sa Bibliya na “the works of the devil will never prevail.”
Patuloy rin ang kumpiyansa ng dating Palace official sa katalinuhan ng mamamayang Pilipino sa totoong nangyayari sa usaping politika sa bansa.
“We are Christians, we believe that God is our Shepherd we shall not want. And of course, naniniwala tayo that the works of the devil will never prevail. So, naniniwala rin tayo sa katalinuhan ng taumbayan na alam nila kung kailan naninira sila para sa pulitika lamang at alam nila kung ano ang katotohanan,” ayon pa kay Roque.
Para naman kay KOJC resident minister Carlo Catiil, nakahanda ang Kingdom of Jesus Christ sa anumang posibleng mangyari at tiwala ang buong kongregasyon sa kapangyarihan ng Diyos Ama sa langit.
“The beginning of this spiritual battle this very moment, hindi po nagkulang ang Ama sa langit. He is always with us. All the time, every minute, every second, He’ll never leave us nor forsake us. And we are prepared for the worst kasi alam po natin ‘yung mga tagapagpatupad ng batas, ay hindi po sumusunod sa batas. Kami po dito sa Kingdom of Jesus Christ, we are prepared, we are ready po dito. Gagawin po namin ang lahat at ang Ama na po sa langit ang gagawa po sa the rest. As what the Word of God said in Psalm 46 verse 10, ‘Be still and know that I am God.’ Praise the Father,” saad ni Carlo Catiil, Resident Minister, KOJC.