Marcos Jr. administration, hindi umano naibigay sa mga Pilipino ang karapatang pantao

Marcos Jr. administration, hindi umano naibigay sa mga Pilipino ang karapatang pantao

WALANG kahirapan, walang kagutuman, pagbibigay ng maayos na kalusugan at kalidad na edukasyon, ilan lamang ito sa mga pangunahing karapatan ng mga Pilipino na dapat tinutugunan ng Marcos Jr. administration.

Tuwing eleksiyon ay iniluluklok natin sa puwesto ang mga politiko na nangangakong ibibigay ang mga karapatan ng sambayanan at mga serbisyo ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan.

Ngunit sa panahon ngayon ng Marcos administration, natupad kaya ang pangako nito noong nagdaang eleksiyon?

Sa isang forum, iniisa-isa nina Jeffrey “Ka-Eric” Celiz ,dating kadre ng CPP-NPA-NDF, geopolitical analyst na si Professor Herman “Ka-Mentong” Laurel at Vice President for International Affairs Asian Century Philippines Strategic Studies na si Ado Paglinawan ang pagsasawalang bahala ng Marcos administration sa kasalukuyang lagay ng mga Pilipino.

Para kay Professor Laurel, nilabag ng administrasyon ni Bongbong Marcos ang karapatan ng mga Pilipino at ang nakasaad sa Konstitusyon sa pamamagitan ng pagpasok ng base-militar ng mga Amerikano dito sa Pilipinas.

“These added US military installations, plus countless unregistered support facilities, all violate the 1987 Philippine Constitution Art. XVIII, Section 25, prohibiting foreign military bases and troops in the country,” ayon kay Prof. Herman “Ka-Mentong” Laurel, Geopolitical Analyst.

Aniya, walang mapapala ang Pilipinas sa pakikipag-alyansa sa Amerika dahil base sa kasaysayan, ang US ang pasimuno sa lahat ng kaguluhan sa buong mundo.

‘’The U.S. has been integral to 248 armed conflicts in 153 regions of the world from World War II to 2001, dozens more have been added to the U.S. wars since, and millions have been killed in these wars while hundreds of thousands more in terrorist wars backed by the U.S,’’ saad ni Prof. Herman “Ka-Mentong” Laurel.

Kaugnay nito sinabi naman ni Ado Paglinawan na wala sa prayoridad ni Marcos Jr. na umangat ang buhay ng mga Pilipino dahil base sa survey iniuna nito ang depensa ng bansa na wala naman umanong banta.

 “Were did Bongbong Marcos devote his priority, Bongbong Marcos prioritized or defending the integrity of the Philippine territory against foreigner which the Filipino people designated only as 5% and preparing to face any kind of terrorism, these two are military matters and this preparation constitute only 2% of the most urgent national concern, Bongbong Marcos is therefore representing only 2-5% of the people’s most urgent concern,” ani Ado Paglinawan.

Nababahala naman si Ka Eric sa ginagawang alyansa ng Marcos administration sa mga makakaliwang grupo na nasa Kongreso.

“Ito po ang nakakabahala sa ngayon, there is an existing tactical opportunistic alliance sa pagitan ng Romualdez- Marcos faction at ng Communist Party of the Philippines lalo na po ang kanilang urban operatives,” saad ni Jeffrey “Ka-Eric” Celiz.

Binigyang-diin din ni Ka Eric na itong lahat ay ginagawa ng administrasyon ni Marcos para aniya sa kanilang mga sariling interes at upang manatili sa puwesto.

“Ang mga bulok at baluktot na prayoridad ng gobyernong Marcos hindi po kabuhayan hindi po karapatan at kagalingan ng mamamayang Pilipino ang kanilang inuuna kung hindi ang kanilang pang politika at pang negosyo na interes at ang makipot at makitid na interes ng pamilya Marcos kasama ang mga Romualdez na manatili sa poder, kontrolin ang resources ng gobyerno,” ani Ka-Eric.

Kaya ang resulta, lugmok sa kahirapan ang mga Pilipino at bumalik ang mga adik at kriminal sa lansangan.

“It was no surprise that last October, the Social Weather Station polled 59% of Filipino families, or 16.3 million people, rated themselves as poor. This is the highest percentage of self-rated poor families since June 2008. Subsequently, street crimes and drug-related offenders have also returned,” ani Paglinawan.

Matatandaan na maliban kina Ka-Eric, Ka-Ado at Ka-Mentong, libu-libong Pilipino na rin ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon dahil hindi lang baon sa kahirapan ang marami sa ating mga kababayan, nawalan na rin sila ng karapatan na kagagawan mismo ng pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble