PINABORAN ng Korte Suprema si dating Bayan Muna Congressman Siegfred Deduro.
Si Deduro ay tinukoy ng mga dating kadre bilang ranking officer ng CPP-NPA-NDF.
Mismong mga taga-militar din ang nagtukoy kay Deduro bilang kalaban ng pamahalaan.
Subalit, binaliktad ng Supreme Court ang desisyon ng Iloilo Regional Trial Court laban kay Deduro at pinagbigyan ang hirit nito na petition for writ of amparo matapos aniya mabiktima ng red-tagging.
“Petitioner should not be expected to await his own abduction, or worse, death, or even that the supposed responsible persons directly admit their role in the threats or violations to his constitutional rights, before the courts can give due course to his petition,” pahayag ng Philippine Supreme Court.
Subalit, ang founder ng CPP-NPA-NDF na si Joma Sison ang mismong nagtukoy sa Bayan Muna bilang legal front ng mga kalaban ng gobyerno.
Giit ni Sison, sadyang binuo ang Bayan Muna na ngayon ay isang party-list organization kasama ng ACT-Teachers, Gabriela at Kabataan para pasukin ang pamahalaan sa legal na paraan.
Kaya para sa isang dating tagapagsalita ng government task-force kontra communist terrorist groups, nakapanlulumo ang desisyon ng Korte Suprema.
“The worst! It goes beyond the pale and this decision, in my opinion, endangers the lives, the liberties, and security of the Filipino people because what we are up against is the 15th deadliest terrorist organization in the world,” saad ni Dr. Lorraine Badoy, Former NTF-ELCAC Spokesperson.
Nauna nang idineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council na terrorist organization ang CPP-NPA, kung saan ani Badoy ay bahagi ang Bayan Muna.
“Pag-usapan natin ng paulit-ulit kung ano ang ginawa ng CPP-NPA-NDF at mga prente nila sa pamilyang Pilipino. Napakaraming pamilya nagdurugo ang puso,” dagdag ni Badoy.
Subalit ani Badoy, kahit negatibo ang epekto ng Supreme Court decision, ay marami nang Pilipino ang gising na sa katotohanan kontra CPP-NPA-NDF.
Bunga ito ng information campaign ng militar at pro-government news networks gaya ng SMNI.
Si Badoy ay dating main anchor ng TV Program na ‘Laban Kasama ang Bayan’ sa SMNI na ilang taong tinutukan ang information war laban sa mga komunista.
“Patayin ako ngayon nasabi ko na ‘yung totoo, naka-plant na, lumipad na ‘yung katotohanan no. Para siyang nasa preso at lumipad na siya at pumunta na siya sa puso ng bawat Pilipino at nakikita ko na mulat na mulat na ang Pilipino ngayon,” aniya.
Sa huli, nang matanong kung naging tapat ba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa laban kontra komunista, narito ang sagot ni Badoy…
“Ang Marcos administration ay heaven sent ‘yan sa CPP-NPA-NDF. ‘Yan ‘yung ipinagdarasal ng CPP na dumating sa kanila dahil nabubuhay sila at pinapalakas sila ng administrasyong ito,” diin pa ni Badoy.