Marcos Jr. at Boying Remulla, magkasalungat sa opinyon pagdating sa pagpapa-“selfie” ng mga kawani ng gobyerno kay Alice Guo

Marcos Jr. at Boying Remulla, magkasalungat sa opinyon pagdating sa pagpapa-“selfie” ng mga kawani ng gobyerno kay Alice Guo

UMANI ng mga negatibong reaksiyon ang ginawang pagpapa-selfie ni Benjamin Abalos Jr. at Rommel Marbil kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos nilang makuha ito sa Indonesia.

Sa larawan, si Alice Guo ay naka full smile habang sila Abalos at Marbil ay tila tuwang-tuwa namang nakasama sa picture si Guo na parang isa itong celebrity o artista.

Balewala naman kay Bongbong Marcos Jr. ang naturang lawaran.

Para kay Marcos Jr. walang masama dito kasi bahagi ito ng bagong kultura ng bansa bilang ‘selfie capital of the world’.

“Ang tawag natin sa Pilipinas, we are the selfie capital of the world ‘di ba? Eh ‘di nag selfie. ‘Di mo naman mapigilan ang tao na ngumiti, so… they just had a selfie. I don’t think, I don’t think there’s much more to it than that,” pahayag ni Bongbong Marcos Jr.

Ang mga NBI agent hindi rin nagpahuli ng selfie kay Alice Guo.

Pinagpaliwanag naman ng DOJ ang mga ito hinggil rito pero hindi umano kontento ang Justice Secretary sa kanilang mga sagot.

Kung para sa pangulo ay ayos lang ito, para sa DOJ, dapat umano silang humingi ng patawad at mapagalitan.

Ayon pa dito, kailangan ng palitan ang kultura sa pagpapa-selfie.

“Kailangan may apology naman. Malaking apology ang kailangan dyan. At kailangan dyan may reprimand talaga. Hindi pa pwedeng ganyan lang kasi wanted ‘yan eh. Mga wanted, hindi mo sineselebrate ‘yan. Dapat dyan, pag hinuli mo, hinuli mo. Hindi na tama na ‘yung selfie-selfie na ‘yan. Palitan natin ‘yung kultura na ‘yan. Hindi dapat nangyayari yan,” saad ni Sec. Jesus Crispin Remulla, Department of Justice.

Samantala, napagkasunduan umano ni Remulla at Marcos Jr. na sibakin na sa puwesto si Bureau of Immigration (BI) Chief Norman Tansingco.

Ayon kay Remulla, inirekomenda niya sa pangulo ang pagpapatalsik dito dahil sa marami umano silang naging problema sa BI kabilang na ang mga isyu sa issuance ng working visas sa mga dayuhan.

“Oh yes. Ok na ‘yun. Nagkasundo na kami ng Pangulo,” dagdag ni Remulla.

“Papalitan siya, papalitan siya. If I were him, I’d resign already. Mag resign na lang siya.”

“Marami ‘yan. Marami, marami. Issuances of working visas was very questionable. I called attention to it, wala siyang ginawa,” ani Remulla.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble