NAKABALIK na sa Pilipinas si Pangulong Bongbong Marcos Jr. matapos ang apat na araw na working visit sa Osaka, Japan.
Sa kaniyang pagbisita sa Osaka ay binanggit ng Pangulo ang ilang key business commitments.
Kabilang na rito ang pakikipag-partner ng Kanadevia Corporation sa Phil. Ecology Systems Corp. para sa waste-to-energy project.
Ito ang lilikha ng malinis na enerhiya habang nireresolba ang mga basura.
Ang Tsuneishi Group naman ay magtatayo ng kauna-unahang methanol dual-fueled Kamsarmax bulk carrier sa Cebu.
Lilikha ito ng mga trabaho at palalakasin ang green shipping sa Pilipinas.
Kabilang din sa mga tinalakay ang kooperasyon sa Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) na makatutulong sa disaster monitoring, pagpapalakas ng agrikultura, at seguridad ng mga komunidad.