DAPAT pamarisan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang stratehiya ni US President Donald Trump hinggil sa pakikitungo nito sa iba’t ibang bansa.
Ayon ito sa Geopolitical Analyst na si Prof. Anna Malindog-Uy sa isang panayam sa SMNI News.
Aniya, sa usapin sa West Philippine Sea, mainam kung idaan ni Marcos Jr. sa peace negotiations ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
Kung babatayan ang nangyayari sa kasalukuyan, imbis makipag-ayos ay mistulang hinahamon pa ni Marcos Jr. ang Chinese government kaugnay sa WPS.
Kung ikukumpara naman aniya kay Trump, nakuhang kausapin na maghiwalay ng US President si Russian President Vladimir Putin at Ukraine President Volodymyr Zelenskyy kamakailan.
Dito ay natalakay pa ang posibleng pagkakaroon na ng kapayapaan sa pagitan ng Moscow at Kyiv.
Dagdag pa ng geopolitical analyst, mukhang magkakasundo ngayon si Trump at Chinese President Xi Jinping halimbawa sa economic sector.
Follow SMNI News on Rumble