IPINAPALABAS na “elitista” si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa sinumang gumawa ng kaniyang speech, kung saan sinabi niyang para lang mga pinabili ng suka ang mga nasa senatorial slate ng PDP-Laban.
Ayon sa geopolitical analyst na si Prof. Anna Malindog-Uy, pangit ang imaheng ito dahil nagiging malayong-malayo si Marcos Jr. at ang kaniyang mga kasamahan sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa normal na mga Pilipino.
Kung titingnan naman ang credentials ng mga nasa PDP-Laban gaya nina SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta at Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), may pantapat umano ito sa mga taga-Alyansa.
Ngayon, hindi makuha ni Malindog-Uy kung bakit ganito ang mga pinagsasabi ng Pangulo.
Follow SMNI News on Rumble