TINANGGAL na ni American Pop Diva na si Mariah Carey sa trono si Taylor Swift sa pinakahuling Billboard Hot 100 Chart dahil sa holiday hit song nito.
Nasa pinaka-unang pwesto na ang “All I Want for Christmas is You” ni Carey na sinundan ng holiday songs na “Rockin’ Around The Christmas Tree,” “Jingle Bell Rock”, at “A Holly Jolly Christmas”.
Pinasalamatan naman ni Carey ang kanyang mga fans dahil sa naabot nitong panibagong milestone ngayong taon.
Si Carey ang may pinakamaraming No.1 singles sa Billboard Hot 100 na nasa 19.
Mayroon itong 5 Grammy Awards para sa Best Female R&B Vocal Performance and Best R&B song para sa kantang “We Belong Together” at Best Contemporary R&B Album para sa “The Emancipation of Mimi” pati na ang Female Best Pop Vocal Performance para sa “Vision of Love” at Best New Artist.