NAGBIGAY ng inspiring words ang aktres at doktor na si Maricar Reyes sa mga estudyanteng nahihirapan sa kanilang grado.
Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang kaniyang karanasan habang nag-aaral ito sa kolehiyo.
Aniya na-insecure at lagi niyang iniisip kung paano makipagkumpetensiya sa magagaling niyang kamag-aral.
Inamin din nito na kahit licensed Medical Doctor (MD) siya ngayon ay hindi siya magaling sa kanilang klase.
Kaya payo niya sa mga mag-aaral, maaring sa ibang larangan sila mag-excel at doon nila magagamit ang sariling talento.
Na-post din nito sa kaniyang Facebook account na ang grado sa paaralan ay hindi magdedetermina kung magtatagumpay sila sa buhay.
Sinabi pa ng aktres na sa psychology subject siya nag-excel at dito niya nagagamit ang kaniyang talento, ang makinig at unawain ang problema ng mga tao.
Ikinatutuwa rin ng aktres na ang sinusulat niyang libro ngayon kaugnay sa karanasan niyang kapagsubukan sa buhay ay nakatutulong sa mga pasyente na makarekober.