Maricel Soriano, kasama sa cast ng isang US film

Maricel Soriano, kasama sa cast ng isang US film

ISINAMA sa cast ng isang US film ang screen veteran na si Maricel Soriano.

Ang “Re-Live: A Tale of an American Island Cheerleader” ay pinagbibidahan ng Filipino-American actress na sina Rain Valdez at Rachel Leyco.

Si Diamond star Maricel Soriano ay gaganap bilang si Thelma, ang ina nina Rain bilang si Rowena at ni Rachel bilang si Rochelle.

Sentro ng “Re-Live” film ang kwento ng buhay ni Rowena bilang isang transgender na bumalik sa kanyang tahanan sa Guam para sa kanyang high school reunion.

Samantala, pinuri naman ng mga collaborators si Maricel bilang legendary Filipino actress dahil sa galing nito sa pag-arte na nakapagbibigay ng larawan sa kwento at tunay na karanasan ng mga Filipino abroad.

Ang “Re-Live” ay magsisimula sa paggawa ng pelikula sa Nobyembre sa Hawaii at Guam, na executive produce ng Filipino entertainment producer na si Jhett Tolentino.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.