Marikina Christmas Shoe Bazaar, bukas na

Marikina Christmas Shoe Bazaar, bukas na

PORMAL nang binuksan ang Marikina Christmas Shoe Bazaar #paskongsapatossamarikina sa Freedom Park malapit sa Marikina City Hall.

Pinangunahan ito ni Mayor Marcy Teodoro, iba pang opisyales ng lungsod, at mga miyembro ng Philippine Footwear Federation Inc. (PFFI).

Tatagal hanggang January 14, 2023 ang nasabing bazaar.

Bukas ito sa publiko pitong araw sa isang linggo, Lunes hanggang Linggo 9:00 am – 7:00 pm.

Ang programang ito ay inisyatibo ni Teodoro upang matulungang makabawi ang mga lokal na magsasapatos sa epekto ng pandemya.

 

Follow SMNI News on Twitter