Marikina LGU, pinalawig pa ang deadline sa pag-renew ng business permit

Marikina LGU, pinalawig pa ang deadline sa pag-renew ng business permit

PINALAWIG pa ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang deadline para sa pag-renew ng business permit upang matulungan ang mga maliliit na negosyante at Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) operators na apektado ng patuloy na COVID-19 pandemya at iba pang isyu sa ekonomiya na kasalukuyang kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, nilagdaan niya ang Ordinance No. 001, series of 2023 o ang ordinansa na pagpapalawig ng panahon para sa pag-renew ng mga business permit nang walang surcharge at penalties mula Enero 20 – Marso 31.

Ani Teodoro ang extension na ito ay para hindi magmulta ang mga negosyanteng magpoproseso pa lamang ng kanilang renewal, para magkaroon sila ng mas mahabang panahon at hindi mamultahan hanggang Marso.

Samantala bukod sa nasabing ordinansa, nilagdaan din ni Teodoro ang iba pang hakbang na nagpapagaan sa pasanin ng iba pang may-ari ng negosyo at residente sa lungsod sa mga panahong ito ng pagsubok.

Follow SMNI NEWS in Twitter