Marikina Mayor Marcy Teodoro, iaapela ang desisyon ng COMELEC hinggil sa kaniyang kandidatura

Marikina Mayor Marcy Teodoro, iaapela ang desisyon ng COMELEC hinggil sa kaniyang kandidatura

MAGHAHAIN ng apela si Marikina City Mayor Marcy Teodoro kaugnay sa naging desisyon ng COMELEC First Division na kanselahin ang kaniyang Certificate of Candidacy (COC).

‘Material misrepresentation’ ang naging basehan ng COMELEC sa naturang desisyon.

Ayon kay Teodoro, may ebidensiya siya na nasa District 1 ang kaniyang tirahan simula pa noong siya ay konsehal hanggang naging alkalde na ito.

Maaaring nagkamali lang aniya ang COMELEC.

Si Teodoro ay tatakbo bilang congressman sa First District ng Marikina sa 2025 midterm elections.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter