NASA 3rd alarm na ang Marikina River matapos tumaas sa 18.4 meters ang water level nito dahil sa Super Typhoon Karding.
Batay sa anunsiyo ng Marikina PIO, bukas na ang lahat ng 8 gate sa Manggahan Floodway.
Sa isang panayam, sinabi ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, inaasahan nila ang pagtaas ng tubig sa ilog dahil nakapagtala ang kanilang command center ng double-digit rainfall count.
Inilikas din ng Marikina LGU ang mga residente nito sa lahat ng mabababang lugar sa lungsod.
Nagbukas ng higit kumulang 50 evacuation camp ang lungsod dahil tumataas ang lebel ng tubig sa Marikina River bunsod ng pananalasa ng bagyong Karding.
Nananawagan ng tulong sa pribadong sektor ang pamahalaang lungsod dahil madami na ang mga lumikas.