IMOMONITOR ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Commission on Higher Education (CHED) ang mga maritime school sa layuning matiyak na maipatutupad ang pinahusay na kurikulum.
Sisiguraduhin din ng MARINA at CHED na ang mga institusyon ay malalagyan ng mga kinakailangang kagamitan at pasilidad.
Sa isang press briefing sa Malacañang nitong Martes, sinabi ng MARINA Administrator Hernani Fabia na ang mga kakulangan na tinukoy ng EU ay sa monitoring, supervision and evaluation of manning training and assessment; examination and assessment of competence, programs and course design and approval; availability and use of training facilities and simulators; onboard training and issue revalidation and recognition of certification endorsements.
“These issues that we are going to improve are also a topic or the concern … or these findings as stated by the independent evaluators. As of now, there are two—the Philippines has two audits or inspection or evaluation,” ayon kay Hernani Fabia, Administrator, MARINA.
Kaugnay dito, sinabi ni CHED Chairperson J. Prospero de Vera III na isang enhanced curriculum ang pinagsama-sama ng MARINA, CHED at maritime higher education institutions.
Dagdag pa ni De Vera, dapat ding tiyakin na ito ay ipinatupad nang tama upang ang pinahusay na kurikulum ay nakatutugon sa pagsunod sa mga pamantayan ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).
“We must make sure that all the requirements to produce a good seafarer are there including onboard or shipboard training so that we make sure at the end of the whole process, we produce seafarers that are up to the standards – international standards,” wika ni Prospero De Vera III, Chairperson, CHED.
Ang Philippine Coast Guard (PCG) ay magiging katuwang sa pagsubaybay at pagsusuri sa maritime education institutions sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Saad pa ni De Vera, nagdeklara na ang CHED ng limang taong moratorium sa mga bagong programa para makapag-focus sa ebalwasyon ng mga kasalukuyang programa.
“Ibig sabihin, for the next five years starting when we declared it last year, we will not allow any new maritime programs to be opened so that we will be able to focus on evaluating the existing programs. Mahirap kasi kung wala kang moratorium, habang ini-evaluate mo iyong existing nag-i-evaluate ka din ng bago, parang walang katapusan iyan,” dagdag ni De Vera.
Una nang natalakay sa pulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Malakanyang
ang patungkol sa patuloy na pagkilala ng European Union sa seafarer certificate ng Pilipinas.
Muling iginiit ni Pangulong Marcos na ang mga Pilipinong marino ay dapat na patuloy na maging preferred workforce ng ship owners sa buong mundo.