IPINATUPAD na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang bagong cargo rates per link para sa ruta ng Tacloban–Amandayehan at pabalik.
Layon ng hakbanging ito na ma-regulate ang singil sa kargo, lalo na ngayong may emergency situation dulot ng bahagyang pagsasara ng San Juanico Bridge.
Makikita sa inyong screen ang mga kumpletong listahan ng MARINA-approved cargo rates per link para sa mga apektadong ruta.
Ayon sa MARINA, ang mga bagong presyo ay aprubado at isinasaalang-alang ang kalagayan ng transportasyon para hindi maabuso ang mga kargador at negosyo sa gitna ng limitadong ruta.