Marino Party-list, pinasalamatan si PBBM matapos binigyang prayoridad sa APEC Summit ang mga marinong Pilipino

Marino Party-list, pinasalamatan si PBBM matapos binigyang prayoridad sa APEC Summit ang mga marinong Pilipino

PINASALAMATAN ng Marino Party-list si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil isa ang mga marino ng bansa ang binigyang prayoridad nito sa APEC Summit sa Thailand.

Ayon kay Marino Party-list Rep. Sandro Gonzalez, isinusulong ni Pangulong Marcos ang development ng maritime industry ng Pilipinas sa naturang summit dahil may potensyal itong makatulong upang mapaunlad ang ekonomiya.

Ang Pilipinas ay kilala sa pagsusuplay ng mga marino sa buong mundo at ang pagbibigay ng walang problemang cross-border passage sa mga ito ay nakatitiyak ng employment opportunities.

Sinabi ni Gonzalez na nananatili ngang tapat si Pangulong Marcos sa pangako nitong isa sa uunahin niya ang kapakanan ng mga Pilipinong marino.

Follow SMNI NEWS in Twitter