Maritime Zones Bill ng Pilipinas, tiniyak ng Senado na maipapasa bago matapos ang 2023

Maritime Zones Bill ng Pilipinas, tiniyak ng Senado na maipapasa bago matapos ang 2023

TARGET ng Senado na maisabatas ang panukalang Philippine Maritime Zones bago matapos ang 2023.

Ito ang sinabi ni Senator Francis Tolentino sa gitna ng pagkabahala sa umano’y malawakang pangha-harvest ng corals o bahura sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Tolentino, isa ang Pilipinas sa natitirang mga bansa na walang sariling Maritime Zone Law sa kabila ng claims sa pinag-aagawang teritoryo.

Una na rin aniya itong ipinag-utos ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa Pilipinas na lumikha ng naturang batas.

Dagdag pa ng senador, kasama rin sa ilalagay sa Maritime Zones Law ng Pilipinas ang Benham Rise.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble