ISANG buwan bago ang umpisa ng kampanya para sa 2022 elections ay inilahad ni Mark Halili na sakaling palarin sa halalan ay handa nitong ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng kanyang Ama.
Sa isang eksklusibong panayam ay sinabi Halili na pagbubutihin ay ang mga programang pangkalusugan.
Kabilang ang libreng hospitalization at pagpapatayo ng mas malaking public hospital na may mas malaking ICU facility.
Patitibayin din aniya ang out patient program ng hospital upang maiwasan ang congestion.
“Sa ngayon, sa lungs palang, eh paano na ang ibang parte? Kailangan natin ng health facility na mag cater sa lahat, ” pahayag ni Halili.
Si Mark Halili ang panganay na anak ni Dating Tanauan City Mayor Thony Halili na pinaslang sa taong 2018.
Para kay Mark, susundin nya ang laging payo ng kanyang ama, na sakaling palarin sya na maging alkalde ng Tanauan ay gagawin nya ang lahat para makamit ang pinaka the best hindi para sa sarili niya kundi pinaka the best na resulta para sa sambayanan.