Mark Magsayo, inihahalintulad ni Coach Freddie Roach kay Pacquiao

Mark Magsayo, inihahalintulad ni Coach Freddie Roach kay Pacquiao

MASAYANG-masaya ngayon ang Hall of Fame trainer Freddie Roach para kay WBC World Featherweight Champion Mark Magsayo bago ang first title defense nito laban kay Rey Vargas sa Alamodome, San Antonio, Texas ngayong linggo.

Ayon kay Roach, may similarity si Mark Magsayo sa kanyang hawak na boxer na si Manny Pacquiao na nanalo ng iba’t ibang titulo sa 8 Divisions.

Aniya, isang kasiyahan para sa kanya na sanayin si Magsayo dahil napaka-dedicated nito sa kanyang boxing career at gustong-gustong matuto.

Ani Roach, nagkakaroon din si Magsayo ng improvement sa kada laban nito at proud siya na maging trainer nito.

Dagdag pa ni Coach Roach, pareho si Pacquiao at Magsayo na may mabilis na kamay at may nakamamanghang work ethics.

Follow SMNI NEWS in Twitter