POSIBLENG makakalaban na ni Pinoy boxer Mark Magsayo ang American boxing superstar na si Gervonta “Tank” Davis.
Kasunod ito sa ulat na maaaring makansela ang magiging boxing match ni Davis at ng kapwa American boxer na si Lamont Roach ngayong Marso 1, 2025 sa Brooklyn, New York.
Sa pahayag ng promoter ni Magsayo na Viva Promotions, sinabi nito na may tsansang maging replacement opponent ni Davis ang Pinoy boxer.
Si Magsayo ay kasalukuyang Rank No. 2 sa Junior Lightweight Division.
Si Davis naman ay hindi pa kailanman natalo sa kaniyang buong boxing career kung saan sa 30 panalo nito ay 28 ang via knockout.