KUSANG loob na humarap sa Senado, araw ng Lunes, Abril 21, at mananatili sa detensiyon ng hanggang dalawang araw si Special Envoy on Transnational Crime Ambassador Markus Lacanilao.
Si Lacanilao ay na-cite in contempt kamakailan dahil sa pagiging evasive nito sa ginanap na pagdinig ng Senado kaugnay sa ilegal na pag-aresto at pagdala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).