IPINAALAM ni Filipino concert king Martin Nievera na ang kanyang bunsong anak na si Santino ang kanyang inspirasyon sa kanyang naging concert for a cause kamakailan.
Ayon kay Nievera, nakaka-relate siya bilang ama sa ganitong uri na mga aktibidad dahil si Santino ay na-diagnose na may special needs.
Saysay pa ng singer, ito rin ang sanhi kung bakit pabalik-balik siya sa Estados Unidos dahil doon nag-aaral si Santino.
Aminado naman ang concert king na ang sitwasyon ni Santino ay nagpatatag sa kanya bilang isang magulang.
Noong Hunyo 25 ay isang solo concert ang isinagawa ni Nievera sa Solaire kung saan ang nag-organisa nito ay ang Rotary Club of Makati West para sa Gift of Life Foundation na tumutulong sa mga may congenital heart disease.