Marvel, babawasan na ang film releases

Marvel, babawasan na ang film releases

MAS kakaunti na lang ang magiging entry ng Marvel Cinematic Universe ayon kay Disney CEO Bob Iger.

Paliwanag ng CEO, magiging pokus na nila ngayon ang “quality” at hindi “quantity” sa mga gagawing pelikula.

Posibleng hindi na lalagpas sa tatlong bagong Marvel films at dalawang TV series ang kanilang ire-release bawat taon.

Ngayong taon ay tanging Deadpoll & Wolverine lang ang kanilang pelikula.

Sa 2025 ay nakatakda naman ang release ng Captain America: Brave New World, Thunderbolts, The Fantastic Four, at Blade.

Sa 2026 ay sinasabing may panibagong Avengers film.

Follow SMNI NEWS on Twitter