ABANGAN na sa Marso 22 at 23, 2025 ang ‘Marvel Studios: Infinity Saga’ Manila Concert!
Ang naturang musical film ay mag-uugnay ng mga kaganapan, tema, at karakter mula sa Marvel Cinematic Universe.
Halimbawa sa saklaw rito ang ‘The Avengers’, ‘Iron Man’, ‘Black Panther’, ‘Black Widow’, ‘Thor’, ‘Captain America’, ‘Captain Marvel’, ‘The Hulk’, at ‘Ant Man’.
Ang pre-sale ng ticket para sa Film Concerts Ph Community Members ay ngayong Biyernes na, Enero 10 habang ang public sale ay magsisimula sa Enero 17 via ticketworld.
Ang price range ng tickets ay nagsisimula sa P1,999 pesos hanggang P6,999.