‘CONVICTED’ at nasa probation status si Marvin Miranda nang mapaslang si Negros Oriental Gov. Roel Degamo ayon kay Justice Sec. Boying Remulla.
Si Miranda ang isa sa itinuturong mga mastermind na pagkamatay ni Degamo.
Ayon kay Remulla, illegal possession of firearms ang unang kaso ni Miranda noong taong 2020 sa Caticlan, Aklan.
Nitong Lunes, April 3, 2023 nang isalang na sa inquest proceeding si Miranda na isa ring military reservist.