Mary Francine Padios, wagi ng gintong medalya sa 8th PSC 2022 Women’s Martial Arts Festival

Mary Francine Padios, wagi ng gintong medalya sa 8th PSC 2022 Women’s Martial Arts Festival

DINALA ni Mary Francine Padios ang kanyang winning act sa Southeast Asian Games sa 8th Women’s Martial Arts (WMA) Festival noong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum.

Namuno ang 19-anyos na kampeon sa SEA Games sa Pencak Silat’s Seni Tunggal Singles Category matapos na umiskor ng 9.587 puntos upang maiuwi ang unang gintong medalya sa mga larong ito na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang larong ito ang naging unang pagkakataon na nakuha ni Padios ang ginto matapos ang tatlong beses na pagtatangka na dominahin ang kanyang pet event kung saan nanalo rin siya ng bronze medal sa Pencak Silat World Championships sa Malacca, Malaysia ngayong taon.

Iniuwi naman ni 2018 Indonesia Asian Games bronze medalist na si Cherry Mae Regalado ng Phil. Speed Warriors-Aklan ang pilak sa 9.246 puntos habang ang mga tansong medalya isinabit nina Lorraine Verde at Shantal Kaye Villanoche sa iskor na 8.897.

 

Follow SMNI News on Twitter