Mas abot-kayang tubig para sa mga Pilipino, tiniyak sa 10-year Contract Extension ng Maynilad at Manila Water hanggang 2047

Mas abot-kayang tubig para sa mga Pilipino, tiniyak sa 10-year Contract Extension ng Maynilad at Manila Water hanggang 2047

TINIYAK ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na suplay ng malinis at abot-kayang tubig para sa milyon-milyong Pilipino matapos aprubahan ang 10-taong extension ng kontrata ng Maynilad at Manila Water hanggang 2047.

Ayon sa Malacañang, pinagtibay ito sa kauna-unahang pulong ng Economy and Development Council, na dating kilala bilang National Economic and Development Authority (NEDA) Board.

Pinalawig ang concession agreements ng dalawang kumpanya mula sa orihinal na pagtatapos sa July 31, 2037, hanggang January 21, 2047.

Layunin nito ang pangmatagalang pagbibigay ng ligtas, maaasahan, at abot-kayang tubig sa milyon-milyong Pilipino.

Ayon sa Department of Economy, Planning, and Development, inaasahang magpapabilis ang extension sa mga kapital na pamumuhunan, magpapagaan ng pressure sa singil sa tubig, at makakalikha ng karagdagang kita para sa gobyerno na tinatayang aabot sa 50.3 billion pesos.

Isa itong hakbang para palakasin pa ang water security sa Metro Manila at karatig probinsya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble