‘Mas angat na travel experience’, layunin ng partnership ng PAL at New Terminal One ng JFK Airport

‘Mas angat na travel experience’, layunin ng partnership ng PAL at New Terminal One ng JFK Airport

MAGKATUWANG na ngayon ang Philippine Airlines at ang New Terminal One sa New York John F. Kennedy (JFK) International Airport.

Layunin ng partnership ang maiangat pa ang traveling experience ng PAL customers na bumibiyahe sa pagitan ng Manila at New York City.

Sa ngayon ay nasa Terminal 1 pa ng JFK Airport ang operasyon ng PAL subalit lilipat na ito sa New Terminal One kung magbubukas na ito sa taong 2026.

Samantala, dadagdagan na ng Philippine Airlines ang kanilang flights mula Manila papuntang Cauayan, Isabela.

Magsisimula ito sa Enero 15, 2025 at daily ang magiging flights nito.

Sa pahayag ng PAL, isa itong alternative mode mula sa nakasanayang land trip na inaabot ng 10 oras.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble