Mas hassle-free na pamamasyal ng mga turista, posible sa Hop on, Hop off tourism buses ng DOT

Mas hassle-free na pamamasyal ng mga turista, posible sa Hop on, Hop off tourism buses ng DOT

POSIBLE ang mas hassle-free na pag-iikot ng mga turista sa mga tourist spot ng Pilipinas matapos inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang “Philippine Hop on, Hop off (HOHO) Travel By the Hubs.”

Ayon sa DOT, sa pamamagitan ng HOHO tourism buses, mas mapadadali ang pamamasyal ng mga turista sa iba’t ibang tourism hubs sa pamamagitan ng isang “single connected trip.”

Unang inilunsad ang nasabing proyekto sa Makati City kung saan tampok ang mga best spot at activities na maaring ma-enjoy ng mga turista sa naturang lungsod gaya na lamang ng Makati Museum at Ayala Triangle.

Nagakakahalaga ng P1000 kada tao ang HOHO tour.

Ang HOHO project ay may website na naglalaman ng mahahalagang impormasyon at isang reloadable EMV-capable card.

Available din ang isang mobile app para sa pag-book ng mga tour, cashless na pagbabayad, GPS networked-bus arrival monitoring at video guide, pati na rin ang impormasyon sa mga hotel, pagkain at tourism merchants.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter