MULING nakapagtala ng significant na pagbaba ng fecal coliform level sa Manila Bay.
Ito ay sa gitna na rin ng pagtutok at pagsusumikap ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na linisin ang tubig sa Manila Bay.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, lumabas sa kanilang kinuhang samples mula sa 21 stations sa palibot ng bay na bumaba na sa 4.87 million most probable number per 100ml ang fecal coliform ng dagat, higit na mas mababa kumpara sa avarage level noong nakaraang taon na aabot sa 7.16 million mpn/100ml.
Pagtitiyak ni Cimatu, ipagpapatuloy ng DENR ang paglilinis sa Manila Bay at maaasahan aniya na magtutuloy-tuloy din ang improvement nito.
Giit pa ng kalihim, triple kayod sila ngayon para sa rehabilitasyon ng dagat lalo na sa pagpapaganda ng kalidad ng tubig nito upang maibalik ang pagiging ligtas ng Manila Bay para sa recreational activities gaya ng pangingisda.