Mas mabilis at magaan na cargo services handog ng PAL sa mga Pilipino

Mas mabilis at magaan na cargo services handog ng PAL sa mga Pilipino

MAS pinadali na ang pagpapadala ng cargo, sa buong bansa maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa ika-85 anibersaryo ng Philippine Airlines, inilunsad ang bagong hakbangin ng PAL Cargo na layong tugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga Pinoy sa mas mabilis at abot-kayang cargo services.

Sa dami ng Pilipino na umaasa sa padala, mula sa online sellers hanggang sa nagpapadala ng personal na gamit—good news ang hatid ng PAL Cargo, ang freight at logistics arm ng PAL, para sa mga negosyante at sa lumalawak na digital economy.

Pinalawak na ang serbisyo para sa pagpapadala ng e-commerce products, gamot, high-value goods, at maging alagang hayop—lahat ligtas na ibibiyahe alinsunod sa international safety standards.

Sa pakikipagtulungan ng PAL Cargo sa Airspeed at Department of Trade and Industry (DTI), mas madali na ang pagpapadala ng produkto ng maliliit na negosyo papunta sa mas malawak na merkado. Pormal na pipirmahan ang kasunduan sa DTI sa mga darating na buwan.

Kasama sa bagong serbisyo ang port-to-door delivery para sa mas convenient na padala, at ang loyalty reward system sa pamamagitan ng Mabuhay Miles.

Dalawa sa pinakapinagkakatiwalaang serbisyo ngayon:

  • Rush Cargo – para sa time-sensitive na padala
  • Block Space Agreement – para sa mga regular shippers na gustong magreserba ng space

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble