Mas mabilis na vaccination process, ilulunsad sa San Juan City

NGAYONG araw ay ilulunsad sa San Juan City ang kauna-unahang Vaccine Information Management System Immunization Registry ng Department  of Information and Communications Technology (DICT) para sa mabilis na vaccination process.

Nasa dalawampu hanggang tatlumpung minuto ang itinatagal ng manual process ng vaccination mula sa registration hanggang sa bakunahan sa San Juan.

Subalit sa isinagawang pilot testing ng Vaccine Information Management System Immunization Registry dito ay mas napabilis ng LGU ang proseso ng sampung minuto kada indibidwal mula sa registration hanggang sa vaccination.

Sa system na ito, computerized na ang vaccination process mula sa registration, hanggang sa consent, hanggang sa vaccination, at post-vaccination.

Hindi na rin kailangang magsagawa ng encoding system pagkatapos ng bakunahan dahil na-store na sa computer ang mga impormasyon ng nabakunahan

Dahil dito mas mapapagaan ang workload ng mga vaccination team.

Sa huling tala ng San Juan City, nasa 7,988 residente na ang nabakunahan kontra COVID-19 kung saan  4407 nito ay healthcare workers, 1,088 senior citizens; at  2,493 indibidwal na may comorbidities.

(BASAHIN: Manila Water, DENR, at MWSS, pinangunahan ang Adopt-an-Estero Program sa San Juan City)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.