Mas mahigpit na checkpoints sa Baguio City, patuloy na ipinapatupad

Mas mahigpit na checkpoints sa Baguio City, patuloy na ipinapatupad

MAHIGPIT na binabantayan ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang pagpasok ng mga biyaherong manggagaling sa ibang lugar dahil sa patuloy na banta ng Delta variant.

Ito ay matapos mapag-alaman ng lokal na pamahalaan na mayroong mga public transport na iba-iba ang rason makalusot lang sa checkpoints.

Bunsod nito ay nagbabala si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kukumpiskahin ang mga sasakyan, papabalikin, at kakasuhan ang mga nakasakay kung napatunayan na isa sila sa mga gumagawa nito.

Samantala, papayagan naman mula sa araw na ito ang mga non-essential travels mula sa mga GCQ at MGCQ areas.

Para naman sa mga hindi pa nagpabakuna ay kinakailangan lamang ipakita ang negatibong resulta ng RT-PCR test sa loob lang ng 72 oras.

Sa huli, sinabi din ng alkalde na maaaring isumbong sa Baguio City Police Office (BCPO) at 117 hotlines ang mga kaduda dudang vaccine cards at mga travel documents.

(BASAHIN: Pag-inum ng alak sa mga construction sites sa Baguio City, ipinagbabawal)

SMNI NEWS